
lirik lagu lenin (ph) - kumusta
bumalik tayo sa hinaharap
k~musta na kaya ako, di na ba ako laging tinatamad
meron na bang trabaho o di pa rin tinatanggap
nakuha ko na ba ang mga bagay na hinahangad
may bisyo pa rin ba ‘ko, baka may sakit na
nang maadik sa pakikipagtalik sa iba
may utang sa kaibigang di ko na binibisita
malapit na ‘kong kasuhan, di na ‘ko nagpapakita
at ang bahay ko, limang hakbang na lamang ang lawak
ang tulugan ko ay kung sa’n ako tumatapak
wala pa naman sa ‘king pulis na humahanap
bilang pasasalamat, sa paa ng santo humahawak
di ko pa nasisilayan ang panganay ko
galit pa rin sa akin ang nanay at tatay ko
walang tumutulong kung pa’no pa ‘ko tatayo
dahil ‘pag kailangan na nila ako, bigla akong lumalayo
pumanik ka sa pinakababa
nando’n pa rin kaya ako, ilang taon na bang hindi makawala
iniwan ang sariling ambisyon sa pagkakadapa
pagsubok yata sa ‘kin kung paano nga ba tatanda
lumbay lang ang karamay, nasanay nang mag~isa
dinadalaw ng bangungot at pagkakabalisa
pinagpapawisan at nahihirapang huminga
hangga’t maaari ay di ko kailangan ng iba
aawayin ko ang diyablo sa loob ng salamin
konsensya ko ay pansamantalang huhubarin
ang maskara ay susubukan kong baliktarin
ngunit walang nagbago sa ‘king aninag, gano’n pa rin
tila malapit na rin akong sumuko sapagkat
napapagod na sa paulit~ulit na pagbagsak
may pag~asa pang natatanaw sa dulo datapwat
ang nais ko na lamang ay matapos ang lahat
hindi ko na makita kung ano ang halaga
ng mga pangarap ng batang hindi na kilala
sa tagal kong nabuhay, tila wala ‘kong napala
puro problema na ako lang din naman ang gumawa
ikinulong ko ang sarili sa loob ng kalayaan
at binilang ang bawat ikot ng aking kasalanan
ni hindi ko naisip ang sarap ng kasaganahan
at ideya na kahit kaila’y meron akong tahanang
maaaring uwian kapag ayaw ko na rito
wawasakin ko ang rehas ng mabahong paraiso
at luluhod sa mga taong minsang binigo
diretso na sana ang lahat, bigla ‘kong lumiko
sa lugar kung sa’n akala ko’y magiging masaya
ngunit mas umiral ang aking pagiging pabaya
oras na ako ay tanungin, hoy lenin k~musta
uulitin ko ang berso at do’n na ‘ko papunta
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu ronja - geflicktes herz
- lirik lagu madkid - resolution (english version)
- lirik lagu epannn & klar - #bohonk
- lirik lagu aaliyah - true entertainer
- lirik lagu oxycxde - adn
- lirik lagu lydons - tongue
- lirik lagu lil baby - all on me
- lirik lagu enter shikari - jailbreak (live at wembley)
- lirik lagu ちばけんいち (kenichi chiba) - hologram
- lirik lagu austere - rusted veins