lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu lenin (ph) - galit

Loading...

di mo kailangang matakot
ang isip ko’y napapadpad lang palagi sa laot
sa makasariling kaluluwa’y naging madamot
ngumingiti lang ‘pag ang panaho’y nakasimangot

lumaya sa lungkot, pinatawad nang ilang ulit
sumulat sa papel kahit pa may lukot at punit
walang limitasyon kaya lumalagpas sa guhit
napagtantong walang pinipiling bigat ang lubid

hilamos, ang dami kong tulang hindi natapos
tagpi~tagpi ang mga pangungusap na inagos
na ng ilang dagitab para lamang makaraos
bulong hanggang ang boses ko sa utak ay mamaos

mata’y nakapiring ngunit malayo ang tingin
sobrang labo ng mundo, malinaw lang sa salamin
bulag na ba ‘ko o wala lang talagang bituin
magkita na lang tayo ro’n sa kabilang gitling

minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit
patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit
di ko man maunawaan ang lahat subalit
pipilitin ko pa ring hindi magalit
minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit
patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit
di ko man maunawaan ang lahat subalit
pipilitin ko pa ring hindi magalit

binibilang ko sa daliri kung ilang beses nangyari
kulang ang kalendaryo ‘pag sinama pa yung dati
akala ko lahat ng emosyon ko ay balanse
mali palang maging panatag ‘pag naging kampante

araw~araw may isang naiiw~ng patlang
sapat ba ang pag~ibig na walang pakiramdam
kung para sa pagmamahalan na walang hanggan
handa kang masaktan kahit gaano kagaspang

kausap ang kwaderno, tuyong~tuyo ang labi
kapag tungkol sa’yo, di man lang nangangalahati
ngunit kailangan ko ang ‘yong pagpuri at pagbati
nabubuo lang tayo ‘pag merong taong kahati

inabusong panulat, at pusong nilagari
mukhang nawawalan na ng kontrol itong may~ari
nagbago ng anyo, naging halimaw na ang hari
ika’y nanatiling alipin ng pangit kong ugali

minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit
patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit
di ko man maunawaan ang lahat subalit
pipilitin ko pa ring hindi magalit

minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit
patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit
di ko man maunawaan ang lahat subalit
pipilitin ko pa ring hindi magalit

mga kasalanang hindi pinag~isipan
kanino ka nagmana, ano’ng pinanggalingan
masyado kang matapang, wala ka namang bilang
nagmamaang~maangan, naggagaling~galingan

nahihirapan dahil maraming butas ang plano
normal ako, di ko kailangang maging kalmado
di ko kailangan ng tulong, di ko kailangang magbago
di ko kailangang buksan ang palaisipang kandado

natatakot sa liwanag na tila takot makuha
ilang taong hinayaan ang sarili magdusa
hindi man lamang pinayagang maghilom nang kusa
tinitiklop palagi ang sugat bilang parusa
gabi~gabi ang away, sakitan, at murahan
pinipilit na lamang matulog nang luhaan
kunwari’y di naririnig at wala ‘kong muw~ng
at aasa na bukas, pakiramdam ay gumaan

mga napanood ko’y paw~ng kasinungalingan
hinanap ko ang pamilyang nagkakaintindihan
bata lang akong sinusubok ng kamalian
mga galit nya sa buhay, ako ang pinagbalingan

kapag pinagalitan, may nginig na sa kamay
‘pag may mabait sa ‘kin, parang di ako sanay
buong kasiyahan ng pagkabata’y natangay
sa mura kong edad, nag~iisip nang mamatay

kinulang sa gabay, nakatanim na sa sentido
galit lang ang nagiging sagot kong epektibo
hanggang sa tumanda, mas lumala at naging pilyo
lalo no’ng matutunang uminom at manigarilyo

nagbunga ng isang makatang ubod ng lungkot
bente singko anyos na may galit at poot
wala ‘kong sinisising kahit sino, ‘yan ang totoo
kailangan ko lang ng tulong, pasensya na kayo

minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit
patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit
di ko man maunawaan ang lahat subalit
pipilitin ko pa ring hindi magalit

minsan ang lungkot ay napapalitan ng galit
patawarin mo ako sa bawat paglayo’t paglapit
di ko man maunawaan ang lahat subalit
pipilitin ko pa ring hindi magalit


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...