lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu lenin (ph) - dito lang

Loading...

dito lang

bilangin natin nang maigi kung ilan
ang kataw~ng nakahandusay sa paligid
masasagot ng pipi ang lahat ng katanungan
na bumabagabag sa mga bulag na nakasilip

pintado sa pinto ng mga bahay
ang dugo ng mga taong di kinaya ang malayang pag~iisip
at mga bata ang nakaantabay
sa programang nagtuturo ng digmaan at pagkitil sa pag~ibig

halina kaibigan, mamasyal sa kabukiran
masdan ang mga nasirang pangarap at panaginip
mga tauhan na sumisigaw ng katarungan
nabulunang tuluyan, habang buhay nang nanahimik

kalaban ng simbaha’y mga santo sa gobyerno
na pumapaslang ng hayop na hindi nila mapilit
kung pwede lang bumyahe ng diretso sa impyerno
ito na ang una at huling reserba ko ng ticket

kahit nasaan ka man
kahit nasa tiyan pa lang
ang mga parusa ay hindi matatakasan
kahit nasaan ka man
kahit sa katandaan
ang kasaganahan ay hindi mararanasan

balik~tanaw sa malalaking bahagi
mga maling galaw sa kasaysayan ng ugali
pandaigdigang gerang namulat sa dalamhati
pagsunog sa n0belang isinulat ng bayani

rebolusyon sa musika ni lennon at ni marley
pustahan sa pulitika, babangon ba ang hari
mensahe ni picasso, michelangelo, at dali
hinati sa piraso at naging anyo ni banksy

karahasang magpapatuloy hanggang bukas
mag~aabang na lamang ng abuloy sa panglunas
manghihinging limos mga kamay na walang hugas
singkwenta sentimos at sa bangkay na lang maghugas

basahin sa kwaderno kung paano ba mangdugas
maraming kapareho ang mantsa na walang kupas
kapag may nagtangkang tumakas sa labas ng butas
guguhit ang panata sa bawat katas ng ubas

kahit nasaan ka man
kahit nasa tiyan pa lang
ang mga parusa ay hindi matatakasan
kahit nasaan ka man
kahit sa katandaan
ang kasaganahan ay hindi mararanasan

dito lang
dito lang tayo

bilangin natin nang maigi kung ilan
ang kataw~ng nakahandusay sa paligid
masasagot ng pipi ang lahat ng katanungan
na bumabagabag sa mga bulag na nakasilip


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...