lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu leean basaen - siguro

Loading...

i:
isang hiyas na pinapangarap
nagdudulot ng hindi matumbasang galak
animo’y langit ang paligid sa isang iglap
‘di mapigilan ang nag~uumapaw na saya

ii:
araw~araw kang tatanawin; oh laging sabik
unti~unting paglalapitin, pigil na pilit
t’wing kaharap ka na, ‘di malaman ang sasambitin
matatapos muli ang araw nang bitin

chorus i:
kilos ko’y parang may kulang
panunuyo’y parang ‘di sapat
tanong ko ay paano ba malulusutan
siguro, sa simula lang ganito

refrain:
ano nga kaya ang laman ng isipan
kilos n’ya’y ‘di maunawaan
ihihinto na ba?
ilalaban ko ba?

chorus ii:
kilos ko’y parang may kulang
panunuyo’y parang ‘di sapat
tanong ko ay paano ba malulusutan
siguro, hindi pa sigurado
bridge:
bibitaw na lang ba ako sa kawalan
tutulala sa hindi ko matanaw
pinaglaruan nga yata ng kapalaran
lagi nang aking gabi ay mapanglaw

iii:
isang hiyas na minsang pinangarap
nagdulot ng hindi matumbasang galak
sa isang iglap, ikaw ngayo’y maligaya
mabuting kamay sana ang sa’yo’y may hawak

chorus iii:
ngayon, ako’y luhaan at balisa
nakalipas ay pinanghihinayangan
tanong ko ay sa’kin ba ang pagkukulang
oo? hindi? malay? siguro?

chorus iv:
nakaraan man ang mahabang panahon
ikaw pa rin ang s’yang itinutugon
alaala’y gustong ibaon ngunit laging baon
siguro, tapusin na ang ilusyon

pero siguro, ikaw pa rin hanggang ngayon
siguro, ikaw pa rin hanggang ngayon


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...