lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu kinfolks - puyat

Loading...

[chorus ~ chapo]
puyat
di malaman ang tumatakbo sa utak
humahanap ng kasama at kausap
sa ilalim ng madidilim na ulap
ay may talukap na napupuyat

di malaman ang nilalaman ng utak
humahanap ng kasama at kausap
sa ilalim ng madidilim na ulap
may isang mapupuyat

[lenin]
sabay~sabay inantay ang bukang~liwayway
wala pang mga hawak na lisensya, marami nang binaybay
di man magkakadugo, laging may alkohol na nan~n~laytay
sa bawat daang nilakbay, tirang sinablay, hindi nawalan ng saysay

‘pag natapos aming klase, sakto biyernes ng gabi bale
‘pag tinanong kung nasa’n ka, ‘wag nang magtaka, ang sagot ay “g, pare!”
maging malaya lamang sa pagitan ng hiniram nating oras sa dilim
paalam na muna sa araw, dumalaw ka na lang sa ‘kin bukas nang palihim

mga alipin ng sining, mga nabitin sa gising
mga batang hindi mapalagay ‘pag wala silang kikilatisin
mga umaamin ng feelings pati mga k~makain ng cheese ring
at mga makatang nababaliw na kakaisip ng nais sabihin
napupuyat lagi, alam ko namang isa ‘tong malaking maling pahintulot
kelan ko ibibigay sa aking sarili ang marami~raming tulog
hangga’t wala pang liwanag, malayo pa tayo sa katapusan
at kung matapos man, sa panaginip ko na lamang magtataguan
hanggang ma~

[chorus ~ chapo]
puyat
di malaman ang tumatakbo sa utak
humahanap ng kasama at kausap
sa ilalim ng madidilim na ulap
ay may talukap na napupuyat

di malaman ang nilalaman ng utak
humahanap ng kasama at kausap
sa ilalim ng madidilim na ulap
may isang mapupuyat

[tyrex]
‘pag umaga’y magdamag nakatanga
ngunit paglubog ng araw, lahat ay nagagawa
k~main, mag~inom, o maglaro lang magdamag
walang pake kahit walang napapala

yeah, basta kasama ko ay masaya ay kakasa
kahit sa’n lalapag, sasagad, at papalag
pa sa kahit ano’ng ilapag
sa mesa, yosi, alak, o basta lahat sa ‘min wasak
lahat ay gagawin, lahat inaaning
di inisip kahit anong kapalit, walang paki
sa hinaharap na papalapit, sinasagad ang kulit
laging sabik sa karanasang di pagpapalit

di na mahinto, ‘kala mo kung sino
tulog na kailan man di na sumapat
tuloy ang siklo kaya nahihilo
sa umaga pagkagising sapagkat
palaging napu~

[chorus ~ chapo]
puyat
di malaman ang tumatakbo sa utak
humahanap ng kasama at kausap
sa ilalim ng madidilim na ulap
ay may talukap na napupuyat

di malaman ang nilalaman ng utak
humahanap ng kasama at kausap
sa ilalim ng madidilim na ulap
may isang mapupuyat

[sheikha]
sana ay dalawin ng antok
pagod na ‘ko sa utak kong palaging magulo
alam ko nang hindi ito palagi ang sagot
sa mga katanungang dala lang ng lungkot
ba’t di ko maamin
katotohanang naliligaw
naghihintay ng sasagip sa ‘king pagkahibang
ako lang din naman ang tanging may kagagawan

[chorus ~ chapo]
puyat
di malaman ang tumatakbo sa utak
humahanap ng kasama at kausap
sa ilalim ng madidilim na ulap
ay may talukap na napupuyat

di malaman ang nilalaman ng utak
humahanap ng kasama at kausap
sa ilalim ng madidilim na ulap
may isang mapupuyat


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...