lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu kim aljeon - 우산 (in the rain)

Loading...

[intro]
la~la~la
la~la~la

[chorus]
kahit na magkaiba tayo
bagay na bagay tayo sa isa’t isa, yeah~eh
kahit ika’y malayo sa’king tabi
wala naman doong masama, yeah~eh

[verse 1]
ako muna’y magpapakilala
pangalan ay kim aljeon, ako’y nagpapaalala
na mahal kita, maging sino ka man
‘wag mong pansinin ang iba, mga baliw lang ‘yan
samahan mo ako sa aking paglalakbay
abutin ang pangarap, magkahawak ang kamay
huwag na huwag tayong mangalay
kung hindi, tayo’y sablay
gawing masaya ang buhay, ngayo’y ika’y sumabay
sa agos ng tubig sa dagat
pagtiwala sa sarili mo ay dapat
habang ‘di pa late, gawin mo na ang lahat
‘pag naabot na ang pangarap
reaksiyon mo ay “salamat”, ey!
hindi pa umuulan
ngunit nandito ako para ika’y protektahan
tara na, mag~date tayo, kung saan~saan
kapag umulan na, ituring mo akong 우산
[chorus]
kahit na magkaiba tayo
bagay na bagay tayo sa isa’t isa, yeah~eh
kahit ika’y malayo sa’king tabi
wala naman doong masama, yeah~eh

[verse 2]
ayan na, dumating na ang ulan
wala na ang ‘yong pinagdaanan
nilabas na ang lahat ng tubig sa mga mata
umiyak nang tuluyan, at mukhang kakaiba
sa mga kilos at sa mga salita
sa mga pagtingin, nakakapagtaka
sanay na ako diyan, walang problema sa’kin ‘yan
napagdaanan ko rin ‘yan, familiar na ako diyan
imbis na tandaan, kalimutan mo na lang
walang makikinig kahit ang tao pa’y bulag
puno ng taong walang k’wenta, ‘di pa namulat
kanilang mga mata, kasi ‘di pa ‘yan sapat
gusto ng mga tao ang pa~awa sa iba
parang mga pulubi na nand’yan sa kalsada
kung sino yung nang~away sa’yo, siya pa ang tanga
kasi hindi sila nakikinig sa k’wento ng iba

[chorus]
kahit na magkaiba tayo
bagay na bagay tayo sa isa’t isa, yeah~eh
kahit ika’y malayo sa’king tabi
wala naman doong masama, yeah~eh
kahit na magkaiba tayo
bagay na bagay tayo sa isa’t isa, yeah~eh
kahit ika’y malayo sa’king tabi
wala naman doong masama, yeah~eh


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...