lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu kevin opulencia - hesus, tunay na yaman

Loading...

[verse 1]
sa gitna ng ulan sa iyo sisilong
laging nandyan ka at aking katulong
ikaw ang ligaya sa hirap at dusa
sa aking pagiisa ikaw ang kasama

[chorus]
kaibigan, ikaw ang sandigan
sa bawat laban, ako’y alalayan
tiwala’y buo, walang alinlangan
hesus, ikaw ang tunay na yaman

[verse 2]
sa iyo ligaya’y walang katapusan
sa paraiso buhay walang hanggan
pagasa ng puso magpakailan pa man
ako ay hinding~hindi mo iiwanan

[chorus]
kaibigan, ikaw ang aking sandigan
sa bawat laban, ako ay tulungan
tiwala’y buo, walang alinlangan
hesus, ika’y tunay na kaibigan

[bridge]
sa bawat tagumpay
ikaw ang dahilan
sa bawat kabiguan
ikaw ang katuw~ng
sa puso ko’y ikaw ang kayamanan
kaibigan kita hanggang walang hangganan
[chorus]
kaibigan, ikaw ang sandigan
sa bawat laban, ako ay samahan
tiwala’y buo, walang alinlangan
hesus, ikaw ang tunay na yaman


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...