lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu justin taller - bulsa

Loading...

[chorus: justin taller]
sino’ng umaahon tayo ba o sila?
mga ngiti nila habang nakalubog ka pa
sa’n napuntang bulsa?
pinaghirapan kong mga barya?
minumulto na ng mga pangako niyo

[post~chorus: justin taller]
maririnig pa ba?
(ng mga bingi na sa tunog ng mga barya)
makikita pa ba?
(kung nasilaw na sa dami ng nakokolekta)
nasa’n na ba?
(hanapin ang sukli kung nasaang bulsa)
ang paghihirap ba’y matatapos na ba?
o katapusan ko na?

[rap verse 1: sky bryant]
pa’no makaka~ahon sa pagkakalubog
sa sariling sinilangan ang hantungan ay puntod
araw~araw kakayod kahit pa umabot sa tuhod
ang baha kailangan pumasok kahit uugod~ugod
magtitiis magbubulag~bulagan para sa barya
okay lang makibaka ka kesyo para sa kanila
mga nakaupo sa silya na ‘di mauga~uga
habang ang bahay ng iba kulang na lang ay matumba
ang dali nilang sabihin pero ‘di nila magawa
mga pangakong napako, iiwanan kang ngawa
bubulagin, sisilawin, may matamis pang salita
at pagdating ng sakuna ang masisisi pa’y iba
wala ng bago, taon~taon na lang
kailangan nang gumising at tayo ay matauhan
na tayo’y tao rin hindi tau~tauhan
at tanging tao rin kalaban at sila rin ‘tong mga nanlilinlang
[post~chorus: justin taller]
maririnig pa ba?
(ng mga bingi na sa tunog ng mga barya)
makikita pa ba?
(kung nasilaw na sa dami ng nakokolekta)
nasa’n na ba?
(hanapin ang sukli kung nasaang bulsa)
ang paghihirap ba’y matatapos na ba?
o katapusan ko na?

[rap verse 2: eunizz]
binabatuk~batukan at inu~uto lang tayo
ng mga hutuk~hutukan nilang utak pang demonyo
tinakas~takasan pinalilibanlibanan
tapos pagdating sa dulo tayo lang ay pagtatawanan
ang kawatan ay dapat na nasa kulungan
sila yung nanlalamang, ginagasta ating pinaghirapan
tayo yung naghihirap, sila nangungurap
sa atin masaklap, sa kanila sarap
mga sakim sa pinakalilim ng mga bungo
pinadilim pa nila buhay ng ating metro
kami maglalakad, bigay ng pugay sa inyo
kayo’y nakasakay sigaw kayo “iboto”
ang alat ‘yan ang banat sa pangako niyong makalat
‘wag niyo nang hintayin magsanib pwersa lupa’t dagat
‘pag pumutok na ang bulkan ng mga nalamangan ninyo
baka tayo ay magkagulo kaya ay makinig kayo
[chorus: justin taller]
sinong umaahon tayo ba o sila?
mga ngiti nila habang nakalubog ka pa
sa’n napuntang bulsa?
pinaghirapan kong mga barya?
minumulto na ng mga pangako niyo (hoy!)
makinig kayo!

[rap verse 3: el juice]
hoy! ‘di lang ‘to tungkol sa salapi
lubog ka na sa hirap ang hirap pang ngumiti
magtrabaho siyam na oras dala yung pagod pag~uwi
habang sila’y nasa palasyo habang sige ang bili ng
kung ano~ano, “rolls~royce”, mamahalin na damit at sapatos, oh boy
lubog na sa baha saka sa utang
naknang pusang mga buwayang nakalutang
hangga’t merong mga tutang nagpapagamit
sa mga oligarto na sabik
na kunin ‘yung para sa’tin ay malabong humalik
sa katotohanan na nagdulot sa’tin ng sakit
na hangga’t may tulad nila sa pilipinas mapait
ang daranasin mo
ngayon mo nga sabihin na hindi ka nagising
sa mga lirikong alam mong ‘di nanggaling sa bibig
ilam beses pa bubunutin yung naiwan na tinik
o buksan mo ang iyong tenga ibuka ang iyong bibig
(buksan mo ang iyong tenga ibuka ang iyong bibig)
[post~chorus: justin taller]
maririnig pa ba?
(ng mga bingi na sa tunog ng mga barya)
makikita pa ba?
(kung nasilaw na sa dami ng nakokolekta)
nasa’n na ba?
(hanapin ang sukli kung nasaang bulsa)
ang paghihirap ba’y matatapos na ba?
o katapusan ko na?

[outro: justin taller]
maririnig pa ba?
mga daing nila?
ang paghihirap ko’y matatapos na ba?
o katapusan ko na


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...