
lirik lagu juan miguel severo - huling gabi
pangarap ko ang makalayo
sa pangarap ko na dinulot mo
ang matulog sa gabi nang ‘di alintana ang ginaw
at ‘di humihiling na ang kapiling ay ikaw
ikaw na rin ang minsang nagbanggit
sa mga katapusang hindi mo maipipilit
kung kinabukasa’y matutunan kong umiwas
matitiyak ko ba na mabigyan ako ng lunas
sa mga sakit na dulot ng iyong ‘di paglingon
iyong ‘di pagtanaw, iyong ‘di pagtugon?
kung minsan pa’y iaalay sa’yo itong gabi
at ipinapangako kong ito na ang huli
hindi na maghahangad ng ‘di mo maibabalik
isang unos ang muling susuungin
isang kasinungalingan ang yayakapin
mamamatay ang ilang kapalit ng isang pagkakaibigan
masisisi mo ba kung ito ang kinakailangan
ng mga sakit na dulot ng iyong ‘di paglingon
iyong ‘di pagtanaw, iyong ‘di pagtugon?
kung minsan pa’y iaalay sa’yo itong gabi
at ipap~n~langin kong ito na ang huli
hindi na maghahangad ng ‘di mo maibabalik
sa mga sakit na dulot ng iyong ‘di paglingon
iyong ‘di pagtanaw, iyong ‘di pagtugon
kung minsan pa’y iaalay sa’yo itong gabi
at ipinapangako kong ito na ang huli
‘di na magpapatinag sa iyong mga pagtawag
at tatanggi sa sarili na ikaw pa ang hangad
minsan pa’y iaalay sa’yo itong gabi
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu ceuzany - amor i dor
- lirik lagu tazmin - internet money
- lirik lagu asvhel - cessation
- lirik lagu phenomenon (phenom) - intro
- lirik lagu jon rivera - high hopes
- lirik lagu muze sikk - makeup sex
- lirik lagu trang - đàn bà
- lirik lagu indenial - poison
- lirik lagu rojuu - starina edicion soundcloud
- lirik lagu blossom dearie - love is a necessary evil