lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu juan ekis, ejay yatco & pingkian cast - nasa loob ang himagsikan

Loading...

[chorus: pingkian, sung]
ang tunay na himagsikan
sa loob nagsisimula
sa puso’t kaibuturan
sa kaluluwa ang digma

[pingkian, spoken]
kailangan nating paalalahanan ang lahat ng ating mga kasapi kung bakit tayo nandito. kung ano ang ating ipinaglalaban. kung paano natin ito ipaglalaban. kailangan nating ipaalala kung ano ang ibig sabihin ng maging isang katipunero

[pingkian]
ang tunay na himagsikan
ay paglilinis ng loob
asamin ang kab~n~lan
iwaksi ang pag~iimbot

ang kalaban ay sarili
bago pa man ang dayuhan
sa paghangad ng mabuti
at pag~ayon sa katwiran

matuto kang makipagkapwa
at ng kabutihang asal
gawing isa ang salita
matakot ka sa maykapal

[chorus: pingkian & bonifacio]
ang tunay na himagsikan
sa loob nagsisimula
sa puso’t kaibuturan
sa kaluluwa ang digma
[outro: pingkian & bonifacio]
ang tunay na himagsikan
sa loob nagsisimula


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...