lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu juan ekis, ejay yatco & pingkian cast - hindi pa tapos ang laban

Loading...

[verse 1]
doon sa biak~na~bato
’pinatigil ang putukan
’sinuko ni aguinaldo
ang apoy ng himagsikan
sa hong kong nagpadest’yero
lahat ng mga heneral
kapalit ng libong piso
huwad na kapayapaan

[pre~chorus]
(ngunit kahit) kahit na sumuko
(kahit) sila’y nag~alisan
(kahit) pinuno’y nagtago
may nagpatuloy lumaban (lumaban)

[chorus]
hangga’t mayro’n pang hininga
hangga’t may ibubuga
hindi pa tapos ang laban
hindi pa tapos ang laban

[verse 2]
sina paciano’t malvar
ay hindi agad sumuko
patuloy silang lumaban
hanggang maubos ang punglo
[chorus]
hangga’t mayro’n pang hininga
hangga’t may ibubuga
hindi pa tapos ang laban
hindi pa tapos ang laban

[verse 3]
kaming hukbo ni pingkian
patuloy na nagliliyab
ang diwa ng kalayaan
sa talas ng aming tabak!

[chorus]
hangga’t mayro’n pang hininga
(hangga’t mayro’n pang hininga)
hangga’t may ibubuga
(hangga’t may ibubuga)
hindi pa tapos ang laban
hindi pa tapos ang laban

[isyo, spoken]
heneral! mga cazadores!
heneral!

[pingkian, spoken]
isyo, tumakas na kayo!
[isyo, spoken]
hindi kita maaaring iwan, heneral!

[pingkian, spoken]
ililigaw ko sila

[isyo, spoken]
ngunit heneral—

[pingkian, spoken]
wala na tayong oras. ilayo mo ang pulutong. magkita tayo sa sta. cruz. ako na’ng bahala sa kanila

[isyo, spoken]
heneral~

[pingkian, spoken]
sige na, isyo!

[verse 4]
kahit tayo ay malagas
may tapang pa ang iilan
di hahayaang magwakas
pag~asam sa kalayaan

[chorus]
hangga’t mayro’n pang hininga
hangga’t may ibubuga
hindi pa tapos ang laban
hindi pa tapos ang laban


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...