lirik lagu joey ayala at ang bagong lumad - manong pawikan
[verse 1]
manong, manong pawikan
tahanan ay pasan~pasan
wala ba kayong mapaglagyan
sa lupang kinagisnan
[verse 2]
sa hampas ng alon
sa agos ng daang~taon
patuloy kayong gumagapang
yapos~yapos ng putikan
subalit sa laot
laya niyo’y natitikman
lumulutang, sumisisid
sa kailalim~laliman
[verse 3]
o manong pawikan
ako sana’y turuan niyo
kung ano ang paraan
na ang mabigat ay gumagaan
[verse 4]
manong, manong pawikan
tayo ba’y magkaangkan
ako ma’y may tahanan
subalit walang mapaglagyan
[verse 5]
ang lupang namalayan ko’y
punung~puno ng bakuran
na lalong pinatibay
ng titulo’t kasulatan
o manong pawikan
di ko maintindihan
ang lupang pinanggalingan ko
ng~yo’y ari~arian
[verse 6]
o manong pawikan
ako sana’y turuan niyo
kung ano ang paraan
na ang mabigat ay gumagaan
[outro]
ah ah ah
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu fatoshi - тебя нету (you're not here)*
- lirik lagu mitar mirić - ima se, može se
- lirik lagu lvik3n - l0stcvuse
- lirik lagu c4y - madden
- lirik lagu turnstyle - novak's plan
- lirik lagu alexandros sarafis - then anteho
- lirik lagu yung ryze - my phone
- lirik lagu jimmy james - fashionista (nick terranova circuit mix)
- lirik lagu pixielove (rus) - purple moon
- lirik lagu mpablo - humain