lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu job luzon - tila nyebe

Loading...

pwede, kung pwede lang kitang mayakap
nyebe, tila nyebe ka’t ako’y sinag ng araw
di ko minsan maiwasang maisip
baka lang naman ako rin ay iniisip

tila nyebe
engrande ka’t, nakakabighani
di mo ako mapapansin
ako ‘yong tipong nakasalamin
palagi ay iniisip kita
ipagtatapat kong tinatangi kita
at maghihintay ako sa’yong pagdapo
kasi gusto kita
gustong gusto kitang makuha

pwede, kung pwede lang kamay mo’y mahawakan
nyebe, tila nyebe ka’t ako ay el niño ng ka~maynilaan
pero di ko maiwasang umasa
na mababago ng tadhana ang klima

tila nyebe
engrande ka’t, nakakabighani
di mo ako mapapansin
kasi ‘yong tipo mo ay retro jeans
palagi ay iniisip kita
ipagtatapat kong tinatangi kita
at maghihintay ako sa’yong pagdapo
kasi gusto kita (gusto)
gustong gusto kitang makuha
di ko minsan maiwasang matanong
kung ano kaya’ng ginagawa ng~yon
pinaglayo ng milya~milyang direksyon
ngunit pareho naman tayo ng bubong
tumingin ka sa kalawakan
pareho tayo ng tinitignan

tila nyebe
engrande ka’t, nakakabighani
di mo ako mapapansin
kasi ‘yong tipo mo ay mannequins
palagi ay iniisip kita
ipagtatapat kong tinatangi kita
at maghihintay ako sa’yong pagdapo
kasi gusto kita (gusto)
gusto kitang makuha

pwede, kung pwede lang kitang mayakap


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...