lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu jeyemsee - likas ng tao

Loading...

(verse 1)

likas ng tao walang pinagbago kahit anong tago
lakas ng baho walang naglalaho, pilit mang ibago
maka-tao di pa rin lumalago magbago man ang mundo
magkapareho ng motibo kahit sino

positibo ang imahe negatibong panloob
perspektibong aatake sa malabong kutob
likas na ugali di mawawala sa taong panloob
bias sa sarili ibang paniniwala nilulusob

kaligtasan ng buhay, matira ang matibay
pangangailangan nga ba talaga para mabuhay?
inaabangan ang mga bag-y di naman nababag-y
nagsilabasan na ang tunay nilang mga kulay

milyon-milyon ang buhay, iisa lang ang pakay
libo-libong mga malay kinukulang sa gabay
binabaon sa hukay, malumay na patnubay
ito na nga ba ang takbo ng buhay hanggang sa hukay

(chorus)

likas ng tao di na talaga magbabago
kahit ano pa ang gawin o kaya itatrabaho
kahit ilang henerasyon pa ang abutin di na lalayo
di na magbabago ang likas ng tao

likas ng tao di na talaga magbabago
kahit ano pa ang gawin o kaya itatrabaho
kahit ilang henerasyon pa ang abutin di na lalayo
di na magbabago ang likas ng tao

(verse 2)

sabihin natin kayo na mga relihiyoso
maka-diyos na napakulang sa pagiging maka-tao
kabutihan na ginagawa gusto ng kapalit
kagustuhang makapunta na sila ng langit

umiiyak at nagagalit pag sila inaapi
huma-hakhak ng malupit kapag sila nang-aapi
sa lipunan bakit laging ganito ang nangyayari
kaguluhan simula enero hanggang mag disyembre

edukasyon at aral makapagbabago sa mundo
dedikasyon at moral, nawawala sa diksyonaryo
ebolusyon ng maka-tao biglang sinakripisyo
“panahon na makabago” tao ba ay nagbabago?

kalayaan ang gusto ng katauhan
pero bakit ba ito inaabuso ng karamihan
kapag itinanggal ang kanya-kanyang kagustuhan
sila’y nasasakal bigla nalang nagwawalaan

(chorus)

likas ng tao di na talaga magbabago
kahit ano pa ang gawin o kaya itatrabaho
kahit ilang henerasyon pa ang abutin di na lalayo
di na magbabago ang likas ng tao

likas ng tao di na talaga magbabago
kahit ano pa ang gawin o kaya itatrabaho
kahit ilang henerasyon pa ang abutin di na lalayo
di na magbabago ang likas ng tao

(verse 3)

kinakatakutan nga naman ang di maintindihan
kapag wala silang nalaman agad nilang aayawan
gusto kasi ng tao lahat may kaalaman
di naman dapat nalalaman agad pa rin pinag-aralan

hinahabol lang palagi ang kapangyarihan
ikokontrol nila base sa kanilang paraan
tatahol pag di alam ang kanilang pinanggalingan
mga ulol na parang aso na nagtatahulan

maghahanap sila ng pwedeng ka-asosasyon
magpapanggap sila na meron silang kontribusyon
maninigurado na sila sa mga benipisyo
magiging desperado para lang sila’y m-n-lo

hiningian ng kapalit, kapag wala sila’y galit
kabaitan iginigiit kapag sila’y gipit
relihiyon ang ginagamit sa bawat kabutihan
bendisyon ay pinipilit sa sariling kagustuhan

(chorus)

likas ng tao di na talaga magbabago
kahit ano pa ang gawin o kaya itatrabaho
kahit ilang henerasyon pa ang abutin di na lalayo
di na magbabago ang likas ng tao

likas ng tao di na talaga magbabago
kahit ano pa ang gawin o kaya itatrabaho
kahit ilang henerasyon pa ang abutin di na lalayo
di na magbabago ang likas ng tao


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...