
lirik lagu jed baruelo - langit
[verse 1]
magkakape sa muros
maglalakad pagkatapos
at ‘di hahayaang magusot
ang damit mo sa likod
bibitbitin ang backpack mo
pati na rin ang ‘yong lungkot
at kahit na ako’y ubos
sasabay pa rin sa agos
panay pa rin ang palpak ko
palagi na lang nabibigo
kaya sa ’yo lang tatakbo
‘wag nang mawala sa piling ko
[chorus]
langit ang nadarama
sa tuwing kapiling ka, sinta
ikamamatay ko ba
kung mawawala ka na?
[verse 2]
magkikita sa loob
ng campus at kakain tayo
ng mga dalang baon ko
minsan nama’y bibili tayo
ng kahit na ano~ano
basta’t atin ang ating mundo
hindi mahalaga kung sa’n na pupunta
basta’t kasama ka, ‘yon ang mahalaga
at kahit nadadala na ng mga luha
ikaw lang naman, sinta
[chorus]
langit ang nadarama
sa tuwing kapiling ka, sinta
ikamamatay ko ba
kung mawawala ka na?
langit, kunin mo na lang
kunin mo na kaya ako?
kung may iba ka nang gusto
hindi na ipipilit ‘to
[instrumental break]
[chorus]
langit ang nadarama
sa tuwing kapiling ka, sinta
ikamamatay ko ba
kung mawawala ka na?
langit, kunin mo na lang
kunin mo na kaya ako?
kung may iba ka nang gusto
hindi na ipipilit ‘to
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu die toten hosen - altstadt hin und zurück
- lirik lagu alekset - everyday
- lirik lagu mayot & luvdakash - негодует* (05.05.2025)
- lirik lagu bosca - anti alles
- lirik lagu liv4evr - growiftheydont
- lirik lagu pokich - materialist
- lirik lagu heat death of the universe - self removal
- lirik lagu n3xther - before my heart turns black
- lirik lagu clxnnex - i'll see you soon
- lirik lagu jessie paege - starving