lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu inang laya - pag-ibig sa tinubuang lupa

Loading...

[intro]
aling pag~ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag~ibig sa tinubuang lupa
aling pag~ibig pa? wala na nga, wala

[verse 1]
walang mahalagang hindi inihandog
ng may pusong wagas sa bayang nagkupkop
dugo, yaman, dunong, katiis at pagod
buhay ma’y abuting magkalagot~lagot

[verse 2]
ang nakaraang panahon ng aliw
ang inaasahang araw na darating
ng pagkatimawa ng mga alipin
liban pa sa bayan, saan tatanghalin

[verse 3]
sa abang~abang mawalay sa bayan
gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay
walang alaala’t inaasam~asam
kundi ang makita’y lupang tinubuan

[verse 4]
kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak
kahoy niyaring buhay na nilanta’t sukat
ng bala~balaki’t makapal na hirap
muling manariwa’t sa baya’y lumiyag
[verse 5]
ipakahandug~handog ang buong pag~ibig
hanggang sa may dugo’y ubusing itigis
kung sa pagtatanggol buhay ay kapalit
ito’y kapalaran at tunay na langit

[outro]
aling pag~ibig pa ang hihigit kaya
sa pagkadalisay at pagkadakila
gaya ng pag~ibig sa tinubuang lupa
aling pag~ibig pa? wala na nga, wala


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...