lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu inang laya - atsay ng mundo

Loading...

[verse 1]
namamalat na nga ang tinig, tuyo pa ang lalamunan
k~mikirot~kirot ang ulo, sikmura’y k~makalam
maghapong nakapilipit sa kanyang silid~aralan
naiinip, naghihintay sa oras ng uwian

[verse 2]
suweldo’y kakapurit, ginhawa’y ‘di madama
sa kakulangan ng palad, pobreng guro’y nagsawa
dala ng pagkabigo, ang ating tuwid ay nagpasiya
na mag~alsa balutan patungo sa amerika

[verse 3]
nag~abroad si mila
walang tangay kundi maleta
tanging baon ay kanyang diploma
magti~tnt at gagawa ng pera

[bridge]
naghanap ng trabaho, sinuyod ang pahayagan
bawat matagpuang bakante ay sinubukang applyan
pitong buwan niyang inabangan ang tawag ng kapalaran
nang dapuan ng suwerte, sa wakas, ay nagtagumpay

[verse 4]
karwahe ng pangarap, ngayo’y metal na kariton
lulan nito’y lampasong konsorte sa maghapon
ang kanyang traheng pormal, isang naninilaw na apr~n
winiwisik na pabango, mga panlinis na lason
[bridge]
naghanap ng trabaho, sinuyod ang pahayagan
bawat matagpuang bakante ay sinubukang applyan
pitong buwan niyang inabangan ang tawag ng kapalaran
nang dapuan ng suwerte, sa wakas, ay nagtagumpay

[verse 5]
domestic na si mila, anim~isang oras ang halaga
sagad sa pagod, kulang ang kita
nagwawalang~kibo, nagtitiis, nagtiyatiyaga
kaawa~aw~ng mila, dating guro, ngayo’y alila
pangarap niya’y nauwi lang sa bula

[outro]
kailan ka lalaban?
kailan ka lalaya?
kailan?


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...