lirik lagu ian quiruz - nang minsang may ikaw
[verse 1]
kung pagdating mo’y lunas sa delubyong kapalaran ko
ayaw kitang mawalay nang ‘di ginagantihan
ipilit man ng buhay na
maging pariwara ang landas ko kung nandiyan ka, mahal
ay kaya kong makatagal
[pre~chorus]
kung mabatid kong wala ka na
paano na ang mabuhay mag~isa?
mahahagkan, makakapiling ka pa ba?
[chorus 1]
wala nang ngalan pang isisigaw
‘di maibsan ng tubig ang pagkauhaw
pero salamat dahil minsang may ikaw
[instrumental break]
[verse 2]
sa pagdating ng minsan ay siyang pagkaubos ng dahilan
g~yunpaman, mabuti’t minsa’y naranasan ang pagkahibang
mahal, ng~yong tahimik ang balsa
anong saysay kung magsagwan nang mag~isa?
patutunguha’y ‘di tiyak, aking sinta
[chorus 2]
pag~iral ko’y walang kabuluhan
kung ika’y ‘di ko na nasisilayan
pero salamat dahil minsang may ikaw
[bridge]
anong saya’ng hatid ng pagsinta
‘pag natupad itong kasama ka
walang hanggan kung uulit~ulitin
ang minsang para sa atin
[outro]
sa kwento nating nagmamadali
tagpong hindi matapos~tapos lagi
maulit ma’t muli kang matanaw
langit ang buhay nang minsang may ikaw
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu marcus skeen - payback (aphelios' song)
- lirik lagu франки (franky (ru)) - dark world
- lirik lagu her last sight - chasing shadows
- lirik lagu szpiegowsky - schronienie dla smutnych ludzi
- lirik lagu oasis ministry - un encuentro contigo (el león está rugiendo)
- lirik lagu le butcherettes - spider/waves (live at clouds hill)
- lirik lagu zach adam - end of the world
- lirik lagu miley cyrus - doctor (demo)
- lirik lagu jake murphy - round the way
- lirik lagu matthew plante - your love