lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu i belong to the zoo – wala lang

Loading...

ilang daan pa ba ang tatahakin
ilang bundok pang aakyatin
ilang alon pa ba ang haharapin
bago maintindihang hindi ka na para sa ‘kin

paano ba gumising katulad mo
paano ba gumising sa’yo

maari mo bang ipahayag
kung paano mo nilimot ang nakaraan
na para bang wala lang
na para bang wala lang
maari mo bang ipaalam
sa pusong iyong nilisan at pinagpalit
kung paano mo kinayang mabuhay muli

alam kong kaya mo akong tulungan
kung paano ka mabibitawan
mga pinagsamahang mga taon
binaon mo lang agad sa kahapon

paano ba gumising katulad mo
paano ba gumising sa’yo

maari mo bang ipahayag
kung paano mo nilimot ang nakaraan
na para bang wala lang
na para bang wala lang
maari mo bang ipaalam
sa pusong iyong nilisan at pinagpalit
kung paano mo kinayang mabuhay muli
sa pag gising ng araw
pupulutin ang sarili
pupunasan ang luha’t babangong muli
kahit pa sa mga susunod na araw
ay mag~isang muli

maari mo bang ipahayag
kung paano mo nilimot ang nakaraan
na para bang wala lang
na para bang wala lang
maari mo bang ipaalam
sa pusong iyong nilisan at pinagpalit
kung paano mo kinayang mabuhay muli