
lirik lagu hangad - pieta (oyayi sa paanan ni hesus)
ave maria, gratia plena
sancta maria, mater dei
kay lamig na ng hangin
lumalatag ang dilim
‘di maabot ng tingin itong lagim
narito ang ‘yong ina
damhin mong yakap~yakap ka
sa kandungan ko, sinta
mapanatag ka, sinta
nais ko’y pagmasdan ka sa ‘yong pamamahinga
minsan pa’y iduyan ka, awitan ka
‘di ko man nababata, puso ko’y lumuluha
sa iyong pag~iisa, sasamahan ka
at hihilumin ang brasong sugatan
papawiin mga luha mong taglay
lilinisin, mukha mong dinumhan
paagusin ang luha kong alay
madama ko man mga tinik
yayakapin ka nang mahigpit, giliw
ihehele’t iduduyan ka
mahimbing na, tapos na
aking ama! ako’y nilisan mo na ba?
bigyang liwanag, alipin mong aba
tinalikuran mo na ba?
dinggin ang p~n~langin ko, ama!
sumasamong pagpalain mo
nang minsan pa’y masabi ko sa’yo
ako’y alipin mo; sundin ang loob mo, ama ko
at hihilumin ang brasong sugatan
papawiin mga luha mong taglay
lilinisin, mukha mong dinumhan
paagusin ang luha kong alay
madama ko man mga tinik
yayakapin ka nang mahigpit, giliw
ihehele’t iduduyan ka
mahimbing na, tapos na
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu lil tielieh - okay
- lirik lagu pianetapapavero - pixar
- lirik lagu mousv - bango 3al sat7
- lirik lagu carson schwamb - stop light
- lirik lagu gila teen - virtual pets
- lirik lagu negative zero (fanmade xero (linkin park) band project) - flower road
- lirik lagu we$tside feat. krispy k - the best thing
- lirik lagu đỗ hoài nam - cigarette
- lirik lagu lil steck - stars to algin
- lirik lagu young hades - mais amor menos perreco