
lirik lagu guddhist gunatita - s.o.s (some old story)
[intro]
yeah
let me share you my story, man
some real sh~t
hm~mm, mm
hm~mm
[verse 1]
hanggang ngayon sariwa pa rin sa memorya ko
‘yong mga panahong sarili ko’y litong lito
para mabuhay, kinailangan ko na maglako
ng bawal na damong minsang kinahiligan ko
nagulat ka ba kasi ‘di na ‘ko gaya noon
na barumbado at alipin ng mga bulong
namulat na’t paniniwala sa pannginoon
ang nagsalba sa ‘king sarili na nakakulong
[verse 2]
pero aminado na hindi ganon kadali ko
naitama ‘yong mga pagkakamali ko
daming dinaanan ko na pasikot~sikot
bago makabalik sa natural na ikot
lamo bang nakulong, na~rehab
pagbalik, bumalik lang ulit sa pagiging sakit
sa damdamin ng pamilya ay naging pasakit
nasabihan na din ng mga masakit na salita
[verse 3]
‘yoko na magunita panahong bulag
pa ‘ko sa katotohanang kinakaharap
takas sa reyalidad, takbo sa sarap
para lamang ‘di makaramdam ng pag~alala
minsan pakiramdam ko anong halaga
sa ‘king pagkabuhay ay may pagtataka
may nagbabantay nga ba sa ‘kin na ama
na nakatanaw sa ‘king pagkilos at ginagawa
[verse 4]
tanging patalim lang ang alam kong kapitan
no’ng mga panahong kailangan kong malalapitan
oras ng kagipitan, nakita ko sa pintuan
ay anino mo pa rin, walang pamilya o kaibigan
at salamat kasi hindi mo pinagkait
ang liwanag sa mga nasisiraan ng bait
binigyan mo ng tiyansa na muling makabalik
sa landas na kung saan sa ‘yong palasyo papanhik
[verse 5]
masakit ang nakaraan
ramdam mo ba ‘ko? kung hindi, ayos lang naman
salamat pa rin sa ‘yong oras na inilaan
sa ‘king istorya at damdamin na inilahad
‘di na para bumalik sa nakaraan
mga lumipas na taon, aral ang laman
masaya na ‘ko sa kung anong kinalabasan
mabuhay sa kasalukuyan, ginaganapan
wala ng pag~alala
[bridge]
hm~mm, mm
hm~mm
wala ng pag~alala
hm~mm, mm
hm~mm
wala ng pag~alala
[outro]
kung ‘di ako natuto na sumulat, gumawa ng musika
malamang ang buhay ko ngayon ay gaya pa rin ng iba
kung ‘di ako namulat sa mga mali ko na ginagawa
malamang ang buhay ko ngayon ay kuwento na lang ng iba
kung ‘di ako natuto na sumulat, gumawa ng musika
malamang ang buhay ko ngayon ay gaya pa rin ng iba
kung ‘di ako namulat sa mga mali ko na ginagawa
malamang ang buhay ko ngayon ay kuwento na lang ng iba
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu sidnsp & sethnsp - ctrl
- lirik lagu unmarkedska - wreckliner
- lirik lagu marc à paul à jos - monsieur thibault
- lirik lagu tatyana - amour armour
- lirik lagu undead (jpn) - wanderlust sailing
- lirik lagu swoon (hc) - enamored
- lirik lagu edwin rosen - wie sehr tut es weh?
- lirik lagu marcynho sensação - batom de cereja
- lirik lagu hai6s - to the top
- lirik lagu bloodshot breeze - hollow man