lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu gloc-9 - pano?

Loading...

[chorus]
mga tanong ko sa’kin kapag ako lang mag~isa
halos ay kausapin, tila baliw sa tingin nila
lahat ng napasakin, kahit kaila’y hindi kanila
pero pano, pano kung hinayaan ka sa iba?

[verse 1]
pano kung hindi rap ang musika
pinili nung kabataan, kursunada ng siga?
pano kung hindi ako nagsulat
gumamit ng mikroponong mahinang mga ugat?
sa leeg ay kita dahil sa labas
lumabas, bumukas, k~matas, umutas
pano kung hindi ko nalutas
ang siyang dapat kong gawin nang daan ay bumukas?
pano kung nagpatalo ako noong mahina ako?
“natandaan mo ba ‘to?”
pano kung hindi ko ipinaglaban
ang pangarap ko mula pa noong aking kabataan?
pano kung nabulag sa kinang
mga hindi pa bilang, ilaw na nakakailang?
pano kung ako ay nalasing
sa sigaw at palakpakang matagal ko nang hiling?
pano kung ako’y ‘di naniwala
dasal ko sa bintanang luluhod ang mga tala?
pano kung ‘di ako nakinig
sa mga pangaral upang hindi ako matulig?
pano kung hindi ko nakilala
ang taong nagmamay~ari ng nag~iisang korona?
pano kung ‘di kita minahal
nang higit pa sa ‘king buhay, kahit gaano katagal?
[chorus]
mga tanong ko sa’kin kapag ako lang mag~isa
halos ay kausapin, tila baliw sa tingin nila
lahat ng napasakin, kahit kaila’y hindi kanila
pero pano, pano kung hinayaan ka sa iba?

[verse 2]
pano kung hindi ako sumali sa paligsahan, talunan
kasi nga ay nag~mura?
pano kung hindi ko tiniis ang gutom
naluom, na amoy ng mga damit kong pinagulong
para magkasya sa bag?
pano kung binilang ko lahat ng aking inambag?
pano kung tinanggap ko ang sabi sa’kin:
“hanggang diyan ka lang”, “huwag ka na lang mag~abang”
“wala ka ring mapapala”, kasi kahit na ilang
beses mong subukan, bata, huwag kang magpakahibang
pano kung hindi ako umabot
ng dalawampu’t walong taon sa paghabi ng sapot?
pano kung tinuloy ko ang magtinda ng pizza sa brunei
para lang makatulay?
sa buhay, kasi maliit ang sweldo
ng isang empleyadong pangalan ay pollisco
pano kung ‘di ko nakita si chito
sa likod nang sumunod, nagbagsakan ang ngiti ko?
tapos kinagat ako ng asong kulay abo
mula noon ay nadinig kapag nagsalita ako
pano kung ‘di ako nagtabi ng mga aning palay
huminahon sa pagbuhos ng tabo at umalalay
kita mo sa nauna, ipasa sa parating
pano kung sa pagtula ay hindi ako gumaling?
[chorus]
mga tanong ko sa’kin kapag ako lang mag~isa
halos ay kausapin, tila baliw sa tingin nila
lahat ng napasakin, kahit kaila’y hindi kanila
pero pano, pano kung hinayaan ka sa iba?

mga tanong ko sa’kin kapag ako lang mag~isa
halos ay kausapin, tila baliw sa tingin nila
lahat ng napasakin, kahit kaila’y hindi kanila
pero pano, pano kung hinayaan ka sa iba?

[outro]
(mga tanong ko sa’kin kapag ako lang mag~isa
halos ay kausapin, tila baliw sa tingin nila
lahat ng napasakin, kahit kaila’y hindi kanila
pero pano, pano kung hinayaan ka sa iba?)


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...