lirik lagu gloc-9 - aristotle pollisco
yeah… ha ha ha ha
sa halos sampung taon na aking paglagi sa pugon ng musikang ito
napakarami pang gusto kong sabihin
at napakarami pa ng gusto kong gawin
pero sa limang kantang ito
isa lang ang gusto kong malaman nyo
ang awit kong ito’y alay ko sa’yo
upang malaman mo
ang tunay na pangalan ko
ang awit kong ito’y alay ko sa’yo
upang malaman mo
ang tunay na pangalan ko
aristotle pollisco (‘yan ang pangalan ko)
aristotle pollisco (ang tunay na pangalan ko’y)
aristotle pollisco (‘yan ang pangalan ko)
aristotle pollisco (makinig ka sa sasabihin ko!)
ako’y isang batang taga~binangonan, rizal
bahay nami’y malapit sa tindahan ng pandesal
pagpasok sa eskwela dibdiban ang pag~aaral
hindi batid ng lahat ay palaging nagdarasal
upang maging isang mang~aawit at makahawak ng mikropono
luha at pawis ang aking gamit upang abutin ang pangarap ko
hanggang isang araw ay aking hinawakan ang lapis at ang papel
agad na nagkaroon ng ibang kahulugan ang pangalan kong aristotle
na tila ba ang mga nauna sakin na makata ay ‘di naman bihasa
na para bang ang galunggong sa palengke na ‘di mabili kasi nga bilasa
binabalak mong ako’y magapi, kaibigan ‘wag kang mag~atubili
pero kapag naririnig mga banat mo ‘di malaman kung makikiliti
inuulit ko pakigalingan mo
baka panlima ko na hindi ka pa maka~isa
parang ang mga bala na binibitawan ng mga kalaban
‘di malaman magagawan sa pag~aasam
ang awit kong ito’y (ang awit kong ito)
alay ko sa’yo (alay ko sa’yo)
upang malaman mo (ang ano, ano?)
ang tunay na pangalan ko
ang awit kong ito’y (ang awit kong ito)
alay ko sa’yo (alay ko sa’yo)
upang malaman mo (ang ano, ano?)
ang tunay na pangalan ko
aristotle pollisco (‘yan ang pangalan ko)
aristotle pollisco (ang tunay na pangalan ko’y)
aristotle pollisco (‘yan ang pangalan ko)
aristotle pollisco (makinig ka sa sasabihin ko!)
teka ako muna’ng babanat bago ka tuluyan na magsalita
bunutin mo muna yang plug ng mikropono baka pwede mo munang ibaba
saki’y makinig
‘di ko lang malaman ang iyong dahilan
kung saan ba talaga’ng pinagmulan
mga galit na ‘yong nararamdaman
medyo malabo dahil hindi mo naman ako kilala
puro na lang sabi nang sabi sinungaling mong labi
mga salitang hinahabi simula nang ako’y maghari
dahil ba sa ‘di mo talaga ma– (yeah)
sabayan ang mga salita na (yeah)
sinulat ayaw mo kapag may iba (yeah)
inggit ka siguro aminin mo na (ahahahaha)
‘wag kang manira ng tao dahil alam mo siya ng~yon ang naroon sa taas
‘wag punahin ang putik sa paa ng iba dahil baka ikaw ang madulas
sige tingnan mo
isipin mo kung meron kang naitulong samin kung bakit narito kami ng~yon?
kaya ka nga lang namin nakikita ay dahil marunong pa rin naman kaming lumingon
sa pinanggalingan
ang awit kong ito’y (ang awit kong ito)
alay ko sa’yo (alay ko sa’yo)
upang malaman mo (ang ano, ano?)
ang tunay na pangalan ko
ang awit kong ito’y (ang awit kong ito)
alay ko sa’yo (alay ko sa’yo)
upang malaman mo (ang ano, ano?)
ang tunay na pangalan ko
aristotle pollisco (‘yan ang pangalan ko)
aristotle pollisco (ang tunay na pangalan ko’y)
aristotle pollisco (‘yan ang pangalan ko)
aristotle pollisco (makinig ka sa sasabihin ko!)
‘yan ang pangalan ko (hahahahahahaha)
ang tunay na pangalan ko’y
‘yan ang pangalan ko
makinig ka sa sasabihin ko
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu babykri$ - hardwork!
- lirik lagu uday (ind) - balancing sheets
- lirik lagu wolfram - золофт (zoloft)
- lirik lagu jaw - traitor creator
- lirik lagu frankie vinci - angela's theme (punk version)
- lirik lagu jesse detor - hands
- lirik lagu sushi chefs never die - paperback
- lirik lagu yoly saa - tirano
- lirik lagu josh msk - les faits
- lirik lagu kash bang - broke boi