lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu flow g - ayos ba?

Loading...

[intro]
kamusta ka na? kamusta ka na? (kamusta?)
ayos ka lang ba? ayos ka lang ba? (ayos ba?)
wala namang dapat ipag~alala
maniwala, ‘wag ka mangamba

[verse 1]
habang oras ay tumatakbo (oh)
kailangan malaman mo
kung ano ‘yung mga gusto mo lang
sa tunay na kailangan mo
kung sino pa ‘yung mga mahiling
sila pa mga nagtatampo
ulanin ka man nang ulanin
may iba pa ring binabagyo
lumingon sa paligid, makikita
‘yung iba, hirap na rin, nakangiti pa
‘yung iba, wala kahit na bisikleta
habang ikaw, naghahanap ka pa ng gasolina
kung lungkot ‘tsaka bigat magkapalitan
saluhin mo lang lahat, ‘wag ka lumiban
‘yan ang mga dahilan para tumibay tayo
‘di lang ‘yan basta palamuti lang
gumawa ng paraan kaysa magreklamo
isa ‘yan sa pinakamahalaga
ang sikreto para ‘di ka mapagod
gawin kung sa’n ka pinakamasaya
para ‘di mo rin kailangan magtiis
‘tsaka ‘di ka din gaano mainip
kasi ‘di lahat ng bagay mabilis
[chorus]
kamusta ka na? kamusta ka na? (kamusta ka na?)
ayos ka lang ba? ayos ka lang ba? (ayos ka lang ba?)
wala namang dapat ipag~alala
maniwala, ‘wag ka mangamba

[verse 2]
‘wag ka na maraming hinahanap (whoa)
kasa gising, ipagpasalamat (whoa)
lalo na kapag may nilalatag ka
du’n palang dapat ay mapanatag na
‘yung iba, walang nasisilungan
‘yung iba, nagugutuman
‘yung iba, baon sa utang
‘yung iba, nasa kulungan
sarili, ‘di matulungan habang ikaw ay malaya ka
sa ‘yo, ako na magbabalik
tatapik na natural lang ang dumadaing
may mga bagay na ‘di dumadating
kasi ‘pag nasa ‘yo na hindi ka na sabik
tignan mo na lamang ‘yung iba, kahit mayro’ng dinadala
hindi marunong madala kasi marunong magdala
sa mga pagsubok, ‘di sila nagpadala
tignan mo ngayon kung saan sila dinala
mga daraanan natin, kahit malala
‘pag nalampasan, balewala na rin malaon
pagka wala ka pang mga sugat sa kahapon
du’n mo masasabi na hindi ka pa malayo
asahan na kung saan~saan ka pa dadapo
‘tsaka kung saan~saan ka dadalhin ng alon
‘wag magmadali kasi wala kang hinahabol
huminga ka pagka hinahapo
[chorus]
kamusta ka na? kamusta ka na? (kamusta ka na?)
ayos ka lang ba? ayos ka lang ba? (ayos ka lang ba?)
wala namang dapat ipag~alala
maniwala, ‘wag ka mangamba

[verse 3]
ano man ang kalagayan, sana makaraos ka
mga pinagdadaanan mo, matapos na
‘di mo na dapat isipin kung may galos ka
ang mahalaga, ayos ka! ayos ba?
mga gusto makamit
‘wag ka mangangalay abutin, ‘wag mo ako biguin
‘di lang ako handa makinig
tutulungan pa kita na humiling para lalong tuparin
lagi lang nakaalalay na makatawid
‘di nakakalimot na ika’y kamustahin
sana ‘pag ako naman kailangan pasagip
may makaalala na ako ay tanungin

[bridge]
kamusta ka na? kamusta ka na? (kamusta ka na?)
ayos ka lang ba? ayos ka lang ba? (ayos ka lang ba?)
wala namang dapat ipag~alala
maniwala, ‘wag ka mangamba
[chorus]
kamusta ka na? kamusta ka na? (kamusta ka na?)
ayos ka lang ba? ayos ka lang ba? (ayos ka lang ba?)
wala namang dapat ipag~alala (ipag~alala)
maniwala, ‘wag ka mangamba

[outro]
kamusta ka na? kamusta ka na? (kamusta ka na?)
ayos ka lang ba? ayos ka lang ba? (ayos ka lang ba?)
wala namang dapat ipag~alala
maniwala, ‘wag ka mangamba


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...