lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu flict g - tandang pananong

Loading...

[verse 1]
paniniwala’t opinyon, ideolohiya’t impresyon
at pananaw natin ay magkaiba (magkaiba, magkaiba)
sino nga ba ang may tangan ng tamang kasagutan?
ako ba, ikaw, o baka sila? (baka sila, baka sila)
bakit ‘pag tayo ay yumaman, tayo lang ang magaling
ang papuri ay wala sa kanila? (sa kanila, sa kanila)
bakit ‘pag tayo’y nalugmok, nilamon ng kahirapan
sinisisi na natin ay iba? (ay iba, ay iba)
baka tayo rin naman ang salarin
o natatakot lang tayo na alamin ‘to?
para saan pa na matuto na tingnan ang ‘yong imahe
kung kailan basag na rin ‘yong salamin mo?

[pre~chorus]
hidwaan ng mga pang~ulo sa ngayon
at digmaan mula pa no’ng unang panahon
ngunit ang kaguluhan ay nagmula sa iba’t ibang sagot
sa iisang tandang pananong

[chorus]
kailan magugunaw itong mundo?
anong aklat kaya ang totoo?
naging mabuti ba tayo?
maililigtas kaya ako?
nasaan na nga ba ang tamang sagot sa tandang pananong?
[verse 2]
hindi kaya sarili lang natin ang kalaban natin
at ang akala natin ay sila? (ay sila, ay sila)
pare~parehas kasi nating gustong mapabuti
ngunit ang interes lang natin ang magkaiba (magkaiba, magkaiba)
iba~ibang kalsada ang nilalakaran
pero ang paroroonan natin sa huli ay iisa (ay iisa, ay iisa)
hindi maiiwasan na tayo’y magkabanggaan
kahit may sari~sariling linya para mauna (mauna, mauna)
may biniyayaan ng kasaganahan
may pinagkaitan ng kayamanan
may ‘di pinalad at pinambayad ang sariling dugo
para sa mithing kapayapaan

[pre~chorus]
mayroong pinaboran ng panahaon
mayroon naman na napaaga sa kahon
ngunit ang kaguluhan ay nagmula sa iba’t ibang sagot
sa iisang tandang pananong

[chorus]
may mabuti nga basa mundong ito?
ligtas pa rin ba ang pamilya mo?
sapat na nga ba ang ipon mo
kung tibok ng puso’y hihinto?
nasaan na nga ba ang tamang sagot sa tandang pananong?
[verse 3]
ang buhay ay walang usad kung iuugnay sa biyahe
anong tunay na detalye? ‘kakaumay, ‘kakadiyahe
sa panahon ng makabagong batuhan ng mensahe
kakaunti ang may alam sa mga tunay na nangyari
sino ba’ng may pakana? kung gusto mong alamin
may dahilan kung ba’t tugma ang “sila rin” sa “salarin”
‘di maintindihan pagsusumamo’t hinaing
‘pag wala kang pakinabang, katay ka parang inahin
sumigaw ka man ngayon, wala ka ring mapapala
kung kontrolado ng taas ‘yong impormasyon sa baba
harap~harapang nanakawin, gagawin pa tayong bobo
ang tingin nila sa atin pampadagdag lang sa boto

[pre~chorus]
kung napakinggan mo ‘to, hindi ito nagkataon
nasa kahon na tayong lahat kaya nagkagano’n
at kalaunan, ididikta sa ‘yo ng panahon
na nasa atin lang ang sagot sa tandang pananong

[chorus]
anong nangyari sa lupang ito? (anong nangyari?)
mananahimik na lang ba tayo? (tatahimik lang ba?)
mag~aaklas pa ba tayo o makikinabang din sa ganito?
nasaan na nga ba ang tamang sagot sa tandang pananong?
naging mabuting tao ba tayo? (tandang pananong)
ninakaw mo ba ang nasa bulsa mo? (tandang pananong)
ilan ang kasalanan mo? ‘sindami ba ng kayamanan mong
sapat ba para tubusin ang kaluluwa mo? (tandanong pananong)
[outro]
naging mabuting tao ba tayo? (tandang pananong)
naging mabuting tao ba tayo? (tandang pananong)
naging mabuting tao ba tayo? (tandang pananong)
naging mabuting tao ba tayo? (tandang pananong)


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...