lirik lagu feat jaq dionisio gloc 9 - kung tama sya (feat. jaq dionisio) - gloc-9
[chorus: jaq dionisio of kiss jane]
lahat ay ginawa ko
lahat ay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, pano kung tama sya
ano ang napala ko
pati buhay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, pano kung tama sya
[gloc 9]
tinta at panulat ang ginamit
sa mga pahina ng libro ibinuhos ang galit
nag-aral ng matuwid parang sangi saking anit
‘sang dalubhasang nahasa sa hasang na kay pangit
ng amoy nung ako’y magpasyang ituloy
ang pag sulat ng talata na mag sisilbing apoy
sa bawat isang pinoy na lubog sa k-munoy
ng dayuhan ang mga balot sa k-mot na tisoy
kahit na sabi nila ako’y hindi pumapalag
ang aking pagsulat ay isang gawain ng duwag
bakit kailangang magpatayan ng maghapot magdamag
kung sa kalaban ay bato at ang sandata mo’y libag
makalipas ang isang daang taon at limampu
ano ang aking namasdan ano ang aking natanto
para bang ang panahon mula noon ay huminto
sino na bang nakadaan sa nakasaradong pinto
ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
tandaan mo ang laman ng isang kasabihan
aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian
[chorus: jaq dionisio of kiss jane]
lahat ay ginawa ko
lahat ay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, pano kung tama sya
ano ang napala ko
pati buhay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, pano kung tama sya
ito ang sa tingin ko’y tama
at ang syang nararapat
pero teka lang…
(kung tama sya?)
sa kanila’y huwag kang maawa
yan lang ang syang nararapat
pero teka lang…
(kung tama sya?)
[gloc 9]
ako’y isang batang tondo na anak ng mananahi
at sa idad na katorse mga braso’y natali
‘di man natapos sa eskwela nagpatuloy magbasa
nakadampot ng karunungan at namulat ang mata
na ang nagaganap saking kapaligiran ay mali
at ang tanging sagot sa malalim na sugat ay tahi
silang alipin ng ginto at amoy ng salapi
mga dayuhan na dahilan ng maraming pighati
abuso at kalupitan hindi mo dapat pagtakpan
kung hindi ka lumaban wala kang dapat pagtakhan
ayaw nilang magparaya may humaharang sa daan
wala nang pakiusapan di mo subukang tadyakan
dahil ang kinakayankayanan lamang ay mahina
subukan mong sumigaw kahit maputulan ng dila
ibinuwis aming buhay natunaw ang kandila
at nagbago nang itsura ng tinaas na bandila
ito ba ang talagang gusto kong kahinatnan
kung iisipin ang laman ng isang kasabihan
aanhin mo ang kalayaan ng mga tinatapakan
kung bukas sila naman ang syang mag hahariharian
[chorus: jaq dionisio of kiss jane]
lahat ay ginawa ko
lahat ay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, pano kung tama sya
ano ang napala ko
pati buhay tinaya ko
para sa bayan ko
pero teka, pano kung tama sya
ito ang sa tingin ko’y tama
at ang syang nararapat
pero teka lang…
(panu kung tama sya?)
sa kanila’y huwag kang maawa
yan lang ang syang nararapat
pero teka lang…
(panu kung tama sya?)
ito ang sa tingin ko’y tama
at ang syang nararapat
pero teka lang…
sa kanila’y huwag kang maawa
yan lang ang syang nararapat
pero teka lang…
(panu kung tama sya?)
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu howe gelb - pontiac slipstream
- lirik lagu barry white - she's everything to me
- lirik lagu of montreal - buried with me
- lirik lagu memphis minnie - crazy cryin' blues
- lirik lagu dinah washington - no love no nothing
- lirik lagu of montreal - i was never young
- lirik lagu howe gelb - hard on things
- lirik lagu rico blanco - helpless
- lirik lagu soulfly - mulambo
- lirik lagu feat game crooked i slim the mobster and demrick xzibit - movies (feat. game, crooked i, slim the mobster and demrick) - xzibit