lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu dilaw - uhaw - live at teatrino

Loading...

[verse 1]
sabik na mahalikan
mayakap ka’t masayaw sa ulan
ang mundo’y gagaan
mundo ko’y gagaan
maligaw man ng landas ay
hahanapin ang kalsada
patungo sa’yo
ikaw ang daan

[pre~chorus]
dumilim man ang paligid
ay ikaw pa rin ang ilaw ko
oh~oh~oh~oh~oh
oh~oh~oh~oh~oh

[chorus]
bakit uhaw sa’yong sayaw, bakit ikaw?
‘di bibitaw, sa’yong~sa’yo, laging ikaw
ako’y giniginaw, halika rito
dito ka lang sa tabi ko
mananatiling uhaw, uhaw, uhaw

[verse 2]
hindi na mapakali
puso’y nagmamadaling
lambingin at suyuin ka
oh, aking giliw, ako’y iyo
kahit pa matalisod, mapagod
at bumig~y ang tuhod
‘di ako hihinto
ikaw aking dulo
[pre~chorus]
mawala man ang anino ko
nandito ka, oh, ilaw ko
oh~oh~oh~oh~oh
oh~oh~oh~oh~oh

[chorus]
bakit uhaw sa’yong sayaw, bakit ikaw? (bakit ikaw?)
’di bibitaw, sa’yong~sa’yo, laging ikaw
ako’y giniginaw, halika rito
dito ka lang sa tabi ko
mananatiling uhaw, uhaw, uhaw

[instrumental break]

[bridge]
nauuhaw, naliligaw
nanliligaw, humihiyaw
nalulunod sa kada taludtod ng pagkatao mo
nakakatulalang tula, bawat bigkas ng labi mo
nauuhaw, sumisigaw

[chorus]
bakit uhaw sa’yong sayaw, bakit ikaw?
‘di bibitaw, sa’yong~sa’yo, laging ikaw
ako’y giniginaw, halika rito
dito ka lang sa tabi ko
mananatiling uhaw, uhaw, uhaw


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...