lirik lagu datu's tribe - whoa! pilipinas!
[intro]
napakarami pang kagiliw~giliw na mga bagay na maipamamalas ang bayan ko ma maaaring hindi niyo nakita nung kayo’y unang bumisita rito
kaya halina’t tuklasin ang ilan sa mga kaganapan at tanawin na higit na makapaglalarawan sa mga hindi binabanderang aspeto ng “whoa! pilipinas!”
[verse 1]
nangingibang~bayan ang aming masisipag at matatalino
ang pangunahing export nami’y nagugutom na mga desperado
kinabukasan ng nakararami’y isinasalalay sa lotto
at ang mga pag~asa ni pepe, tumitira ng rugby sa kanto (whoa! pilipinas!)
umi~import kami ng mga binabasurang produkto
mga mamamahayag nag~eendorso ng alak, gamot, at shampoo
may mga teacher na nagbebenta ng insurance, damit, at tocino
karaniw~ng pasahod kasi ay sapat lang bumuhay ng aso (whoa! pilipinas!)
[verse 2]
ang bagong relihiyon ng masa: tele~pantasya!
kaya ang mga artista dito’y mga pulitiko rin, at vice versa
ang dating kampo ni bonifacio, commercial center na ngayong pang~elitista
na nagiging tambayan ng mga bagong burgis na dating aktibista (whoa! pilipinas!)
galamay ng sindikato ang mga pulis at sundalo
nagiging congressman ang mga sugarol at babaero
puwedeng~puwedeng maging milyonaryo sa suweldo mo sa gobyerno
at umuupo sa puwesto ang mga hindi naman nan~n~lo
oh!
[outro]
halina’t bumisita (whoa! pilipinas!)
halina’t bumisita (whoa! pilipinas!)
nang inyo nang makita
mga ‘di ninyo nakita (whoa! pilipinas!)
halina’t bumisita (whoa! pilipinas!)
halina’t bumisita (whoa! pilipinas!)
nang inyo nang makita
mga ‘di pinapakita (whoa! pilipinas!)
halina’t bumisita (whoa! pilipinas!)
halina’t bumisita (whoa! pilipinas!)
nang inyo nang makita
mga ‘di ninyo nakita (whoa! pilipinas!)
halina’t bumisita (whoa! pilipinas!)
halina’t bumisita (whoa! pilipinas!)
nang inyo nang makita (whoa! pilipinas!)
mga ‘di pinapakita sa inyo
mga ‘di pinapakita sa inyo
mga ‘di pinapakita
mga ‘di pinapakita
mga ‘di pinapakita
mga ‘di pinapakita
mga ‘di pinapakita
mga ‘di pinapakita
mga ‘di pinapakita
mga ‘di pinapakita sa inyo!
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu шаталкин (shatalkin) - slice girl
- lirik lagu kammanuel - sunkissed
- lirik lagu mia kodak - gg
- lirik lagu the cabs - パリ、わたしたちの (paris, our)
- lirik lagu luiz gonzaga - morena
- lirik lagu oliver2cups - left 4 dead
- lirik lagu johnny5 (fra) & 44absol - stamina interlude
- lirik lagu bob drake - summertime is here
- lirik lagu ziliya bahtieva - башҡорт теле (başqort tele)
- lirik lagu startevs - missin