lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu danidrza - pag-aklas

Loading...

daming mayrong tililing ang takbo paopisina
‘di naman nakapiring pero ba’t walang makita
‘di mo maintindihan kasi hindi mo madama
sabagay ay angat sa buhay kaya ka natatawa

ang dinastiya na dekada na ‘di na natapos
pinaikot mga tao kala nakagapos
sa salaping inaabot na para lang sa boto
ibinenta niyo ang dignidad niyo oh seryoso

‘di ko rin kay masisi pero para sa datung
hahayaan niyong magutom ang anak niyo na ganon
sa darating ng panahon ganon lang ulit sistema
‘kala mo ay teleserye na inulit ang eksena

paulit~ulit ang sigaw ng mga tao
na ayusin mga bagay kasi ‘di na tayo bobo
na basta basta lang din maniniwala
sa mga galawan noyo na grabe rin ay kakasawa

eleksyon na naman at nagkalat sa daan
ang mga muka ng tatakbo na mga kawatan
tapos ‘di nila alam, halatadong mangmang
magaling magsalita, sabay abot limang daan

piso na katumbas ng iyong kinabukasan
sinayang mo yung pagkakataon mo na yumaman
imbis pangmatagalan mas lalo lang bumagal
yung proseso at sistema mas napabayaan
‘di raw kontrolado sabi nung nasa taas
hayaan daw kasi ‘la siyang paki kung magkalas
ang pundasyon na binuo ng mga bayani
ang mahalaga ay sila laging naghahari

‘di mo rin masisi bakit meron nag~aklas
dekada kang ginagago tapos puro palabas
na tumulong at nakikinig sa masa
lumipas panahon at nawalan na rin ng lasa

ang pinas na siksik sa mga kung anu~ano
ngayon limas walang natira kahit pa damo
kaya butas na rin ang bulsa pati na ang bubong
at pinitas ng dahan~dahan. buhay nga ba ay gulong?

ang tanong na hindi na masagot
matatapos pa kaya ito kasi kami’y yamot
ang hiling ng taong bayan nasan nga ba ang gamot
at ang lunas ba sa kahirapan tunay bang kayo?

ang tanong na hindi na masagot
matatapos pa kaya ito kasi kami’y yamot
ang hiling ng taong bayan nasan nga ba ang gamot
at ang lunas ba sa kahirapan tunay bang kayo?


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...