lirik lagu cursebox feat. zargon & mike kosa - triburitmo
ako ang batang nagmula sa angkan ng mga barako
hatid ko ang purong tagalog sa pagdura ko
sa aking dilang mas matalas pa sa bente nuebe
naging siga sa kalye sa edad kong disi siete
minsan nangarap at nanunuod lang
sinasaulo ang mga kantang napapakinggan
umaasang ako’y mapasama at mapabilang
ng~yon si mike kosa na ang aking kasabayan
ako’y sumubok kahit walang sumoporta’t tumangkilik
hindi lang dahil uso at lalong hindi to gimik
minahal ko ang kultura na aking nasilayan
ginagawa ang nais kahit di binabayaran
ang bala ko’y inahon ko sa hugis ng hulmahan
kaya kitang lunurin kahit na di nalalaliman
ginaganahan pag may palaman na ng halaman
naging mapagbig~y bago pako naging gahaman
naubos na ang pahina sa aking kwaderno
pati na rin ang ballpen, lapis na kanyang katerno
tuloy parin pagkat ang utak ko’y hindi na blangko
maraming letrang nakaimbak at nakabangko
nagtanim ng pakisama bago pako irespeto
sumulat ng libro bago pako naging maestro
tinipak ko ang bato at hinukay ang damo
sinundan ko ang liwanag para bukas din ako
heto ang pinagmulan angkan ng mga makatang mandirigma at mahuhusay
dumidiskarte lang sa buhay
habang sa musika’y sumasabay
heyy triburitmo
tributirmooo
isinilang sa angkan ng mga palaban
tanging matibay lamang ang nananatili sa daan
dito natutong gumuhit pagkatapos inawit
ginamit ng wasto bumaliktad paulit ulit
nagsaka sa labing limang ektaryang lupain
tirik ang araw pero sama sama naming bungkalin
ginaw~ng libangan ang sagot sa bawat takdang aralin
bakas ang hirap bago naming natutunang tawirin
ang tulay na lubid
sa baba ng tabang na tubig
mga himulmol ng sinulid
kung wala kang alam ika’y gumilid
parating na’t naninibasib ang mga tunay na panganib
oo ituring mo kong ganid sa mikropono’y sumanib
respeto ko’y saludo sa mga intindido
makinig ka dito para naman ika’y mak~mbinsido
pag nilatag ang mga ritmo ng mga tunay na bandido
parang tumama ang spirit shotgun sa sintido
abot kamay sa mga rumerespeto’t gumagalang
naka masid sa mga bagitong gumagapang
na malagpasan ang mga higanteng talagang nakaharang
nakadagan sa bawat timbangan ng bigat
at nakabakat sangkap ng mga kirikong kagat
isa ka sa espesyal na marinig mo ang lahat
ang buhay na kwento sa loob ng aming alamat
heto ang pinagmulan angkan ng mga makatang mandirigma at mahuhusay
dumidiskarte lang sa buhay
habang sa musika’y sumasabay
heyy triburitmo
tributirmooo
heto ang pinagmulan angkan ng mga makatang mandirigma at mahuhusay
dumidiskarte lang sa buhay
habang sa musika’y sumasabay
heyy triburitmo
tributirmooo
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu kelechi - road life
- lirik lagu lydia luce - dark river
- lirik lagu freeboot - eyes wide open
- lirik lagu godjako - mis edasi saab
- lirik lagu oscar anton - wanted wanted
- lirik lagu bengalo dobermann - fleisch und blut
- lirik lagu lancey foux - me freestlye
- lirik lagu أبيوسف (abyusif) - mo3taz
- lirik lagu q - garage rooftop
- lirik lagu stables - ringmore rise