lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu bullet dumas - limguhit

Loading...

limguhit na angkin ng kan’yang kaluluwa
hayaan mong aking maipamahagi
ang himig na dulot ng kanyang pan-n-lita

sa kabila ng ing-y ng mundo, tinig niya’y kay tamis

pakinggan
tugtugin mo nang siya ay magalak
kailangan kong makita ang
pangiting pagkurba ng kan’yang mga labi
lingid sa ‘yong kaalaman
kanina ko lang naintindihan
na tanging buwan lang ang gumaganti
sa mga ngiti at
dahan-dahang dalhin ang aking pakiramdam
patungo sa kaharian ng kan’yang gawi

ngunit
parang wala na ‘atang pangkat
ng mga notang maaaring maihambing
sa taglay niyang rikit
sa angking niyang kagandahan
lubos man akong nagdaramdam
g-yunpaman, ipinagmamalaki ko pa rin
ang pagkakakilala
sa isang mailusyong diwatang tulad niya

oh, siya, oh, siya
hindi kaya siya na ‘yung langit?
hindi kaya siya na ‘yung langit?
eh, ba’t kailangan pa nating tumingala?

limguhit na angkin ng kan’yang kaluluwa
hayaan mong aking maipamahagi
ang himig na dulot ng kanyang pan-n-lita
sa kabila ng ing-y ng mundo, tinig niya’y kay tamis

pakinggan
tugtugin mo nang siya ay magalak
kailangan kong makita ang
pangiting pagkurba ng kan’yang mga labi
lingid sa ‘yong kaalaman
kanina ko lang naintindihan
na tanging buwan lang ang gumaganti
sa mga ngiti at
dahan-dahang dalhin ang aking pakiramdam
patungo sa kaharian ng kan’yang gawi

ngunit
tila maubos-ubos na
ang mga pariralang kukuntento
sa sulating maglalahad ng kanyang pagkaperpekto
at waring ipinagdamutang kagandahan
wari’y ipinagdamutang kagandahan
iukit mo sa aking lapida
na isa siyang anghel, na isa siyang katangi-tanging nilalang
na nagdudulot ng pabuntung-hiningang
ekspresyon ng pagkahumaling
na sumasabay sa pagkalito o pagtatanong
kung siya na nga ba talaga ang langit
kung siya na nga ba talaga ang langit
kung siya na nga ba talaga ang langit
kung siya na nga ba talaga ang langit
eh, ba’t mula bata pa tayo nagt-titi-t-titingala?

tagsibol, taglagas, tag-init, tag-ulan, taglamig
makailang ikot man
baybayin mo ang sinasagwanan
buwad, patlang, tuldok, tudlig, kuwit
ayaw mo nang magpigil ‘tong panaginip

ayaw mo nang bumalik sa ‘di pagkakakilanlan
ayaw mo nang bumalik sa katotohanan
ayaw mo nang bumalik sa akala ko perpekto na
ayoko na muna
ayoko na muna
ayoko na muna
ay, du’n kasi
sino nga naman ba ako sa iyo?


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...