lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu bukas palad music ministry - pakikinabang

Loading...

[berso 1]
tinapay na binasbasan, binunga ng lupa’t ulan
hinati at inialay, handog namin sa ‘yong hapag
lahat ng gutom paramin, o d’yos naming mahabagin
sa kataw~ng tatanggapin, pagsasaluhan sa piging

[berso 2]
ang alak na inumin— dugong aming tatanggapin
ang uhaw ay papawiin, lumbay nami’y tatanggalin
sa kalis ng bagong tipang amin ngayong iinuman
ganap na kapatawaran sa a~ming kasalanan

[berso 3]
hesus naming minamahal, buhay at naritong ganap
ang katawan at dugo mo ay amin nang tinatanggap
sa bawat na paggunita sa krus mo at pagkabuhay
aming laging nadarama, pag~ibig mong sadyang tunay

[optional verse for christmas, passiontide, feast of sacred heart, and easter]

sa ‘yong kapangana~kan, dangal muling itinatag
sa puso mong sinugatan, dumaloy ang iyong habag
sa ‘yong muling pagkabuhay, pag~asa nami’y sumilay
kapayapaang ‘yong bigay, dulot sa ‘mi’y bagong buhay

[optional verses for easter]
sa bisa ng aming binyag, kami’y ‘yong naging kapisan
kasama sa kamatayan, ka(i)’sa sa bagong bu~hay
espiritu’y panaogin, bayan namin ay baguhin
nang loob mo’y aming sundin, ikaw at kapwa’y ibigin

tulutan mong kami’y maging anong sa ‘min ay tumigib:
sa naapi’y katarunga’t paglaya sa napipiit
pag~asa ng nangangamba, paglingap sa dukha’t aba
pag~ibig na pinipita ng sa iyo’y umaasa

pagkain at inu~min na pinakikinabangan
handog ng d’yos sa bayan n’yang sinisinta’t hinihirang
kami nawa’y patnubayan, samahan sa paglalakbay
hanggang aming mahantungan ang buhay na walang hanggan


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...