lirik lagu blkd - may pag-asa
[produced by dj umph]
[verse 1]
madalas ka bang nag-aalangan
kung maalw-ng buhay ay makakamtan
kung magandang bukas ay madaratnan
kung makatarungang kaunlaran
ay mararanasan pa ng mga tulad mo
karaniw-ng tao
mga kayod-kabayo, wala mang trabaho
mga tila pinagkaitan ng pagbabago
‘ka mo, ginawa’t ginagawa nyo ang lahat
buto’t bala’t banat ‘di pa rin makasapat
pa’no aangat, ultimo pangkain ay salat
wala nang mapasukan hahamakin pang tamad
pwes dapat maunawaan mo
hindi lang ikaw ang nagkakagan’to
krisis – sa buong bayan nakadagan
kayang wakasan basta’t laging tandaan
[hook]
may-pag-a-sa
may-pag-a-sa
[verse 2]
may mga problemang
partikular sa bawa’t isa sa atin
pero may mga problemang
panlipunan, pasan-pasan nating
lahat, kaya’t dapat maunawaan
pagbabagong pansarili lang ay may hangganan
kaya’t magsikap man, hangga’t pareho lang
ang sistema, pag-angat ay kulang-kulang
makatwiran lang na magtulungan
upang mga hakbang ay gumaan
nasa pagkakaisa ating kapangyarihan
kabayanihan ating pagbabayanihan
kaya’t tandaan ang kapalaran mo
nakaugnay sa mga kababayan mo
krisis – sa buong bayan nakadagan
kayang wakasan basta’t laging tandaan
[hook]
may-pag-a-sa
may-pag-a-sa
[bridge]
may makabuluhang pagbabagong
aanihin basta’t sama-sama
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu daria zawiałow - gdybym miała serce
- lirik lagu jab47 - reflections
- lirik lagu the cranberries - pretty (pret a porter movie m
- lirik lagu carrington cash - black bill gates
- lirik lagu louise mandrell - i'm not through loving you yet
- lirik lagu king karlemagne - smoke clears
- lirik lagu mccule & leanna - broken teared guy
- lirik lagu fat joe, cardi b & anuel aa - yes
- lirik lagu del the funky homosapien & tame one - before this
- lirik lagu serengeti - don't need it