lirik lagu berna (phl) - hindi na ako iiyak
[verse 1]
kapeng aking tinitimpla, lagi ng~yong lumalamig
hindi ko malaman kung kulang sa tamis
tasang walang kibo sa ‘ki’y nakatitig
ako’t siya’y naghihintay masagi ng iyong bibig
[verse 2]
buhok na mahaba, iniingat~ingatan ko
noong isang linggo’y pinaputulan ko ito
marahil ay pagod lamang ang iyong isipan
at ‘di mo napansin at hindi tinutulan
[chorus]
huwag kang mag~alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na gapatak
ako’y pinulot mo singdumi ng burak
binigyang pangalan itong aking anak
[verse 3]
pintong dati~rati’y bukas sa iyong pagdating
ng~yo’y nakasara at panangga sa hangin
‘pag ikaw ay dumalaw, ito ay katukin
kahit mahina pa, ito’y aking sasagutin
[verse 4]
kay linis ng silid, walang nagkakalat
medyas at sigarilyo’y walang naghahanap
sanggol na nasanay, akala ay ama
ng~yo’y natutulog ito kahit nag~iisa
[chorus]
huwag kang mag~alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na gapatak
pag~ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
huwag kang mag~alala, ‘di ako iiyak
hindi magdaramdam kahit na gapatak
pag~ibig na minsan sa iyo’y dinanas
sa tulad kong putik, tama na at sapat
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu lotti (fra) - braise
- lirik lagu lord apex - gas (prod. gxnius)
- lirik lagu fleuro - kota lelah
- lirik lagu zen-g - leylam ley
- lirik lagu dismal (sexuto) - керосин (kerosene)
- lirik lagu wnhwar - cerita kita
- lirik lagu bryza - wiatr dobrych zmian
- lirik lagu klein - exclusive
- lirik lagu ¿téo? - o my god.
- lirik lagu katie pearlman - someday (temporary)