lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu apo hiking society - kung sino-sino, kung saan-saan

Loading...

[verse 1]
hawak kong peryodiko
na kung saan bawat tao
makinilya lang ang halaga
siyang tula ang sandata
kung silang may tapang k~manta
ang dating sinusumpa’y ginawa nang bida

[verse 2]
iniwan ang kapilya niya sa bundok
siya ay nagtago na
walang altar kung saan siya nagmisa
nagsilabasan ang hantik
pati bundok mukha’y inukit
nagsayawan kami hanggang umaga

[chorus]
kung sino~sino, kung saan~saan
kaaway, kaibigan
kilala ko sa pangalan lang
silang alamat, multo at anino
bumubuo ng aking kasaysayan

[verse 3]
pati dagat pinatuyo
ngunit nang templo’y gumuho
kami’y napipi sa madugong ganda
ngunit langit ay nagdilim
nang kalapati’y paslangin
at sakali ang luha ay bumaha
[verse 4]
mula sa pula n’yang libro
natuliro na lang si pedro
iniwan ang bukid at s’ya’y sumama
sumabog ang entablado
sinabayan ng delubyo
binihag ang mga matatanda

[chorus]
kung sino~sino, kung saan~saan
kaaway, kaibigan
kilala ko sa pangalan lang
silang alamat, multo at anino
bumubuo ng aking kasaysayan

[verse 5]
pati ilaw sa gintong telon
hinugis ng munting alon
ngunit sabi ‘di ‘yan ang totoo
may babaeng napaiyak
at luha nami’y pumatak
tuyo na ang kamay ng babaeng pilato

[verse 6]
nagpainom si pandora
ngunit tumutol ang iba
kaya naghikab na lamang ang demonyo
sinimulan sa kandila
liwanag n’ya’y nakagiba
nag~alsabalutan ang tatlumpung balo
[chorus]
kung sino~sino, kung saan~saan
kaaway, kaibigan
kilala ko sa pangalan lang
silang alamat, multo at anino
bumubuo ng aking kasaysayan

[verse 7]
bumalik na si gabriela
hindi itak ang dala n’ya
kundi ulan may sinag na dilaw
nakita ko sa may pintuan
at siya’y napangiti lamang
habang namulaklak ang bagong araw

[verse 8]
lahat sila’y nakatingin
bitbit ng ibon ang sakitin
nilunod ng sigaw ang aking awit
pati sila’y sumayaw na rin
sa sari~saring tugtugin
ang awit palang ito’y likha namin

[chorus]
kung sino~sino, kung saan~saan
kaaway, kaibigan
kilala ko sa pangalan lang
silang alamat, multo at anino
bumubuo ng aking kasaysayan
[chorus]
kung sino~sino, kung saan~saan
kaaway, kaibigan
kilala ko sa pangalan lang
silang alamat, multo at anino
bumubuo ng aking kasaysayan

[outro]
bumubuo ng aking kasaysayan


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...