lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu anna fegi - larawan

Loading...

[verse 1]
si nena ay lumulan papalipad sa singapore
kung saan mamamasukan nang mapaaral si amor
tangan niya’y limang larawan ng maliligayang panahon
dala~dala’y pangungulila sa daraang mga taon

[pre~chorus]
ngunit buo ang kaloobang harapin ang kahirapan
nang ang pangarap ay makamtan

[chorus]
malayo man sa ‘yong tingin ang araw mo’ng hinihintay
ang bukas mo ay darating hatid ang bago mong buhay
makakamit ang kalayaan mula sa karukhaan
nena, ika’y isang larawan ng bagong bayani ng bayan

[verse 2]
mga tao’y lumipas, nakatapos si amor
sa pagtitiyaga’t pagsusumikap siya’y isang ganap ngayong doktor
mulat sa kahirapan, kapos mula kamusmusan
naglako sa may lansangan nang pag~aaral ay matustusan

[pre~chorus]
ngunit buo ang kalooban harapin ang kahirapan
nang ang pangarap ay makamtan
[chorus]
malayo man sa ‘yong tingin ang araw mo’ng hinihintay
ang bukas mo ay darating hatid ang bago mong buhay
makakamit ang kalayaan mula sa karukhaan
amor, ika’y isang larawan ng bagong bayani ng bayan

[bridge]
huwaran ang iyong pagpupunyagi
dakila ang iyong mga minimithi

[chorus]
malayo man sa ‘yong tingin ang araw mo’ng hinihintay
ang bukas mo ay darating hatid ang bago mong buhay
makakamit ang kalayaan mula sa karukhaan
nena, ika’y isang larawan
nena, ika’y isang larawan
nena, ika’y isang larawan ng bagong bayani ng bayan


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...