lirik.web.id
a b c d e f g h i j k l m n o p q r s t u v w x y z 0 1 2 3 4 5 6 7 8 9 #

lirik lagu angelo garcia - indak

Loading...

[verse 1]
tinatanaw ka sa malayo
oh, kay bilis, tibok ng aking puso
kahit nanginginig ang tuhod ay nais kang isayaw
sana ay mapagbigyan sinta

[pre~chorus]
tila milyong alitaptap
ang ‘yong ganda ang tanging nagliliwanag
habang papalapit sa’yo, oh, giliw kong marikit
‘di ko mapigilan ang kilig

[chorus]
hawakan mo ang aking kamay
‘di na ‘ko makapaghintay
na maisayaw ang pinakamagandang nilalang sa silid
tila bituing nagniningning
tila liwanag sa dilim
isantabi ang pangamba na tila tayo lang dal’wa
sa ating bawat pag~indak
pag~ibig ko’y iyong madarama
madarama

[verse 2]
tila panaginip sa unang tingin
kung panaginip ma’y ayokong magising
aking susulitin ang bawat segundo
minuto at oras ng pagindak nating dalawa
[pre~chorus]
ito na ang pagkakataon
‘di na sasayangin ‘to
‘di na hanggang panaginip lang
maaari bang totoohanin ‘to?
oh

[chorus]
hawakan mo ang aking kamay
‘di na ‘ko makapaghintay
na maisayaw ang pinakamagandang nilalang sa silid
tila bituing nagniningning
tila liwanag sa dilim
isantabi ang pangamba na tila tayo lang dal’wa
sa ating bawat pag~indak
pag~ibig ko’y iyong madarama (oh)

[bridge]
‘di na baleng parehas na kaliwa
ang mga paang nais umindak na kasama ka
at kahit pa hihimigin lamang ang musika ay ‘di titigil
hanggang madama mo ang pag~ibig ko, sinta

[chorus]
hawakan mo ang aking kamay (oh)
‘di na ‘ko makapaghintay (makapaghintay)
na maisayaw ang pinakamagandang nilalang sa silid (ikaw lang)
tila bituing nagniningning
tila liwanag sa dilim
isantabi ang pangamba na tila tayo lang dal’wa (aking sinta)
at sa ating pag~indak
sisimulan ang storya nating dalawa


Lirik lagu lainnya:

LIRIK YANG LAGI HITS MINGGU INI

Loading...