lirik lagu ame (phl) - himbing
[verse 1]
ikaw ay nag~iisa
malalim ang kurba ng iyong mga mata
nilimot ang bigkas ng pag~asa
at ang iyong himbing ay sadyang pinuksa
[pre~chorus]
sinta, kapit pa
at ika’y higit pa sa
sinasabi ng mundo
at ika’y aahon
[chorus]
dahil bukas ay may araw
may dalang init ang kanyang sinag
at iyong mahahanap
ang silong sa kanyang yakap
at ika’y humimbing
humimbing
at ika’y humimbing
humimbing
[verse 2]
anim na talampakan ang hinukay mo
sinarado mo para sa sarili
at do’n namamalagi ang iyong ganda na pilit itinatago
[pre~chorus]
oh sinta
lumaban ka at ika’y makakaraos
buksan mga mata at tignan ang salamin
[chorus]
dahil bukas ay may araw
may dalang init ang kanyang sinag
at iyong mahahanap
ang silong sa kanyang yakap
[outro]
dahil bukas may ginhawa
may dalang kapayapaan ang kanyang himig at sa wakas ay mahahanap ang sarili na nawawala
at ika’y humimbing
humimbing
at ika’y humimmbing
humimbing
Lirik lagu lainnya:
- lirik lagu sch - multirécidiviste
- lirik lagu jamie christopher mathieson - every time i drink
- lirik lagu mark lenover - let's pretend
- lirik lagu christine fellows - pop bottle chickadee
- lirik lagu matthew lefevers - i want to know your heart
- lirik lagu okaykirk - lottatalk
- lirik lagu twin hazey - the colour red
- lirik lagu monst-r - ghi hadra ii غي هدرة
- lirik lagu the revivalists - only you
- lirik lagu noa & max beatstone - saule